An official site of PYAP Cainta, Rizal Chapter. Powered by Blogger.
“ Sulong Kabataan, Bahagi Ka ng Pamayanan"

Saturday, August 14, 2010

PYAP Cainta Theme Song

KABATAAN PAG-ASA KA

Katulad mo ako ay nangangarap din
Ang bawa’t pagkakataon pilit aabutin
Sa paglipas ng mga araw aking haharapin
Haharapin, tatag ko’y susubukin...
Hindi mahirap kung ito’y minimithi
Kasabay ng bawa’t kilos mo ang pagsisikap mo
Kung ika’y magtitiwala ang nais mo’y magagawa
Ang pagod mo may bungang pagpapala...
.
Magkabalikat tayong bubuo nitong mundo
katulad kong kabataan pangarap ay aking pagsisikapan
Bawa’t isa’y mahalaga, kabataan Bumangon ka…
PAG-ASA KA, PAG-ASA KA…
Hinubog ng bagong loob itong lipi
Hamon ng bawa’t panahon lalong sumisidhi
Dugo mong kabataan, Pinoy tayo kung bansagan
PAG-ASA KA, higit ng ating bayan…

Magkabalikat tayong bubuo nitong mundo
Ang katulad kong kabataan, pangarap ay aking pagsisikapan
Ikaw, Ako'y mahalaga, Kabataan Manalig ka "PAG-ASA KA"
SA DIYOS... "MANALIG KA!"



PAG-ASA YOUTH ASSN. OF THE PHIL., INC.
(Theme: “Sulong Kabataan, Bahagi Ka ng Pamayanan”)
Child and Youth Welfare Program Municipal Social Welfare and Development Office Municipality of Cainta

Special Thanks: 

Words & Music by Arnold K. Vegerano MSWDO Youth Volunteer 2008-2009

2 comments:

  1. Hi John Rey,
    Thanks for posting our theme and song.
    Hoping that Cainta youth will come to realize their importance as young citizens of our society. Thanks to all our supporters from the Government sector - Cainta LGU, DepEd - ALS,NGOs and private sector, too.
    Mga kabataan, tayo ay magtulungan... sipag at tiyaga ang ating puhunan tungo sa inyong magandang kinabukasan... God bless us all.

    Tita Cristy Abenes-Santiago

    ReplyDelete

  © by John Rey Labong

Back to TOP